Sony Xperia E3 - Pagbuo

background image

Pagbuo

Nakakabit ang isang pamprotektang plastic na sheet sa screen. Dapat mong alisin ang

sheet na ito bago mo gamitin ang touchscreen. Kung hindi man, maaaring hindi gumana

nang maayos ang touchscreen.

Upang alisin ang takip sa likod

Magpasok ng daliri sa puwang (tulad ng isinasaad sa paglalarawan) at iangat ang

takip.

7

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang ilagay ang micro SIM card

Alisin ang takip ng baterya, pagkatapos ay ikabit ang micro SIM card sa slot nito

nang nakaharap sa ibaba ang mga kulay gintong contact.

Dapat kang gumamit ng micro SIM card upang gumana nang tama ang iyong telepono.

Hinahayaan ka ng ilang pangkaraniwang laking SIM card na tanggalin ang isang isinamang

micro SIM card. Sa sandaling tanggalin mo ang micro SIM card mula sa pangkaraniwang

laking SIM card, hindi mo na ito maikakabit muli at hindi mo na magagamit muli ang

pangkaraniwang laking SIM card. Kung wala kang micro SIM card, o kung hindi naglalaman ng

natatanggal na micro SIM card ang iyong kasalukuyang SIM card, makipag-ugnayan sa iyong

network operator para sa impormasyon sa kung paano kunin o ipagpalit ang iyong SIM card.

Upang alisin ang micro SIM card

1

Tanggalin ang takip sa likod.

2

Hanapin ang SIM card slot at ang stopper clip.

3

Diinan ang stopper clip gamit ang isang kuko habang sabay na itinutulak palabas

ang micro SIM card.

4

Hilahin ang SIM card palabas sa slot.

Huwag gumamit ng matulis na bagay upang itulak ang card palabas ng slot dahil maaari

nitong masira ang device.

8

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang magkabit ng memory card

1

Alisin ang takip sa likod.

2

Ipasok ang memory card sa slot ng memory card, nang nakataob ang mga kulay

gintong contact.

Upang alisin ang memory card

1

I-off ang device, o i-unmount ang memory card mula sa

Mga setting > Imbakan >

I-unmount ang SD card.

2

Tanggalin ang takip sa likod, pagkatapos ay hilahin palabas ang memory card

upang matanggal ito.

Upang ikabit ang takip sa likod

1

Ilagay ang takip sa likod sa likod ng device, pagkatapos ay pindutin pababa ang

mga tuktok ng sulok upang i-lock ang mga iyon sa puwesto.

2

Mula sa baba papunta sa tuktok, itulak pababa ang mga gilid ng takip hangga't sa

kumabit ang takip.