Pagbabahagi ng musika
Upang magbahagi ng kanta
1
Mula sa home screen ng Walkman®, i-browse ang kanta o album na gusto mong
ibahagi.
2
I-touch at tagalan ang pamagat ng kanta, pagkatapos ay tapikin ang
Ibahagi.
3
Pumili ng application mula sa listahan, pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin sa
screen.
Makakapagbahagi ka rin ng mga album at playlist sa parehong paraan.
Pagbabahagi ng musika sa Facebook™
Kinokolekta ng paggana ng Musika ng mga kaibigan ang mga link patungo sa musika at
nilalamang kaugnay sa musika na ibinahagi mo at ng iyong mga kaibigan gamit ang
Facebook™.
Upang ibahagi at "Gustuhin" ang isang kanta sa Facebook™
1
Habang nagpe-play ang kanta sa application na Walkman®, tapikin ang album
art.
2
Tapikin ang para ipakita na "Gusto" mo ang kanta sa Facebook™. Kung gusto,
magdagdag ng komento sa field ng mga komento.
3
Tapikin ang
Ibahagi para ipadala ang kanta sa Facebook™. Kung tagumpay na
natanggap ang kanta, makakatanggap ka ng mensahe ng pagkumpirma mula sa
Facebook™.
Upang pamahalaan ang musika mula sa iyong mga kaibigan sa Facebook™
1
Buksan ang home screen ng Walkman®, pagkatapos ay tapikin ang
Musika
kaibigan > Kamakailan.
2
Tapikin ang isang item na gusto mong gamitin.
3
Pamahalaan ang item sa paraang gusto mo. Halimbawa, upang "Gustuhin" ang
kanta, tapikin ang . Upang magkomento sa kanta, magdagdag ng komento sa
field ng mga komento.
Upang tingnan ang musika na ibinahagi mo sa Facebook™
1
Buksan ang home screen ng Walkman®, pagkatapos ay tapikin ang
Musika
kaibigan > Ibinahagi ko.
2
Mag-scroll sa isang item na gusto mong buksan, pagkatapos ay tapikin ito.
Ipapakita ang lahat ng komento na na-post mo sa Facebook™ tungkol sa item,
kung mayroon.