Panonood ng mga video sa application na Mga Pelikula
Gamitin ang application na Mga Pelikula upang mag-play ng mga pelikula at iba pang
nilalamang video na na-save o na-download mo sa iyong device. Nakakatulong din sa
iyo ang application na Mga Pelikula na makakuha ng poster art, mga buod ng plot,
impormasyon sa genre at mga detalye ng direktor para sa bawat pelikula. Mape-play mo
rin ang iyong mga pelikula sa iba pang mga device na nakakonekta sa parehong
network.
Maaaring hindi nape-play sa application na Mga Pelikula ang ilang video file.
1
Tingnan ang mga opsyon sa menu
2
Mag-scroll pataas o pababa upang tingnan ang nilalaman
3
I-drag ang kaliwang gilid ng screen pakanan para i-browse ang lahat ng na-download at na-save na
video
4
Tapikin upang i-play ang na-save o na-download na mga video file
Hindi available sa lahat ng merkado ang Sony Entertainment Network na may Video Unlimited
at Music Unlimited. Kailangan ng hiwalay na subscription. Nalalapat ang mga karagdagang
tuntunin at kundisyon.
Upang mag-play ng video sa Mga Pelikula
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
Mga Pelikula.
2
Hanapin at tapikin ang video na gusto mong i-play. Kung hindi ipinapakita ang
video sa screen, i-drag ang kaliwang gilid ng screen pakanan upang buksan ang
menu ng home screen ng Mga Pelikula, pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
video na gusto mong i-play.
3
Upang ipakita o itago ang mga control, tapikin ang screen.
4
Upang i-pause ang pag-play, tapikin ang . Upang ipagpatuloy ang pag-play,
tapikin ang .
5
Upang mag-rewind, i-drag pakaliwa ang progress bar marker. Upang mag-fast
forward, i-drag pakanan ang progress bar marker.
Upang mag-play ng video sa panlabas na device
96
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
1
Kapag nagpe-play ang video, tapikin ang screen upang ipakita ang lahat ng
kontrol.
2
Tapikin ang >
Throw.
3
Pumili ng panlabas na device kung saan ipe-play ang video. Kung walang
available na panlabas na device, sundin ang mga tagubilin sa screen upang
magdagdag ng isa.
Upang baguhin ang mga setting sa Mga Pelikula
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
Mga Pelikula.
2
Tapikin ang >
Mga setting, pagkatapos ay baguhin ang mga setting ayon sa
kagustuhan.
Upang baguhin ang mga setting ng tunog habang nagpe-play ang isang video
1
Habang nagpe-play ang video, tapikin ang screen upang ipakita ang mga control.
2
I-tap ang , pagkatapos ay i-tap ang
Mga setting ng tunog.
3
Markahan ang mga checkbox para sa mga setting ng tunog na nais mong
isaaktibo.
4
Kapag tapos ka na, tapikin ang
OK.
Upang magbahagi ng vide
1
Kapag nagpe-play ang isang video, pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang
Ibahagi.
2
Sa menu na bubukas, tapikin ang application na gusto mong gamitin upang
ibahagi ang napiling video, pagkatapos ay sundin ang mga may-katuturang
hakbang upang ipadala ito.