Paggamit sa iyong device bilang wallet
Maaari kang gumamit ng mga application at serbisyo ng wallet na nagbibigay-daan sa
iyo na mag-imbak ng impormasyon ng credit card, debit card at iba pang impormasyon
sa iyong device upang makapagbayad ka para sa mga bagay nang hindi ginagamit ang
tunay mong wallet. Maaari ka ring magtago ng impormasyon tungkol sa mga espesyal
na alok sa iyong device.
Upang makapagbayad para sa mga bagay gamit ang iyong mobile device, kailangan mo
munang mag-sign up sa isang serbisyo ng pagbabayad gamit ang wallet. Ang mga ito
ay maaaring ialok, halimbawa, ng Google o ng iyong network operator. Para sa higit
pang impormasyon tungkol sa mga naturang serbisyo ng wallet, sumangguni sa iyong
service provider. Maaari kang magbasa nang higit pa tungkol sa Google Wallet™ sa
http://support.google.com/wallet/ .
Maaaring hindi pa available sa lahat ng rehiyon ang mga serbisyo ng pagbabayad sa mobile.
110
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.