Pakikinig sa radyo
Gumagana ang FM radio sa iyong device gaya ng anumang FM radio. Halimbawa,
maaari kang mag-browse at makinig sa mga istasyon ng FM radio at i-save ang mga
iyon bilang mga paborito. Dapat mong ikonekta ang isang wired na headset o
headphones sa iyong device bago mo magamit ang radyo. Ito ay dahil nagsisilbing
antenna ang headset o headphones. Pagkatapos maikonekta ang isa sa mga device na
ito, maaari mo nang ilipat ang tunog ng radyo sa speaker, kung nais.
1
Button ng pag-on/pag-off ng radyo
2
Tingnan ang mga opsyon sa menu
3
Naka-tune na frequency
4
I-save o alisin ang isang channel bilang paborito
5
Tuning dial
6
Frequency band – mag-drag pakaliwa o pakanan upang lumipat sa pagitan ng mga channel
7
Ilipat pataas ang frequency band upang maghanap ng channel
8
Isang naka-save na paboritong channel
9
Ilipat pababa ang frequency band upang maghanap ng channel
Upang makinig sa FM radio
1
Magkonekta ng headset o set ng headphones sa iyong device.
2
Hanapin at tapikin ang
FM radio . Lilitaw ang mga magagamit na channel sa
iyong pag-scroll sa frequency band.
Kapag binuksan mo ang FM radio, awtomatikong lilitaw ang mga available na channel. Kung
mayroong impormasyong RDS ang isang channel, lilitaw ito ilang segundo pagkatapos mong
magsimulang makinig sa channel.
Upang magpalipat-lipat sa mga channel ng radyo
•
I-drag ang frequency band pakaliwa o pakanan.
Upang magsimula ng bagong paghahanap para sa mga channel ng radyo
1
Kapag bukas ang radyo, pindutin ang .
2
Tapikin ang
Mghnap ng mga channel. Ii-scan ng radyo ang buong frequency
band, at ipapakita ang lahat ng mga magagamit na channel.
79
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang ilipat ang tunog ng radyo sa speaker ng device
1
Kapag bukas ang radyo, pindutin ang .
2
Tapikin ang
I-play sa speaker.
Upang ibalik ang tunog sa wired headset o headphone, pindutin ang at tapikin ang
I-play sa
headphones.
Para tumukoy ng kanta sa FM radio gamit ang TrackID™
1
Habang nagpe-play ang kanta sa FM radio ng iyong device, pindutin ang ,
pagkatapos ay piliin ang
TrackID™.
2
Lalabas ang isang tagasaad ng progreso habang sina-sample ng application na
TrackID™ ang kanta. Kung matagumpay, ipapakita sa iyo ang resulta ng track, o
listahan ng posibleng mga track.
3
Pindutin ang upang bulalik sa FM radio.
Hindi sinusuportahan sa lahat ng bansa/rehiyon, o ng lahat ng network at/o service provider sa
lahat ng lugar ang application na TrackID™ at ang serbisyo ng TrackID™.