Sony Xperia E3 - Pag-set up ng email

background image

Pag-set up ng email

Gamitin ang application na email sa iyong device upang magpadala at makatanggap ng

mga mensaheng email sa pamamagitan ng iyong mga email account. Maaari kang

magkaroon ng isa o ilang email account sa parehong pagkakataon, kasama ang mga

pangkumpanyang Microsoft Exchange ActiveSync account.

Upang mag-set up ng email account

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Email.

3

Sundin ang mga tagubilin na lalabas sa screen upang kumpletuhin ang setup.

Para sa ilang serbisyo sa email, maaaring kailanganin mong makipag-contact sa service

provider ng iyong email para sa impormasyon sa detalyadong mga setting para sa email

account.

Upang magdagdag ng karagdagang email account

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin .

2

Hanapin at tapikin ang

Email.

3

Kung gumagamit ka ng ilang email account, tapikin ang

, pagkatapos ay tapikin

ang

Magdagdag ng account.

4

Ipasok ang email address at password, pagkatapos ay tapikin ang

Susunod.

Kung hindi awtomatikong ma-download ang mga setting para sa email account,

manu-manong kumpletuhin ang pag-setup.

5

Kung na-prompt, magpasok ng pangalan para sa iyong email account upang

madali itong makilala.

6

Kapag tapos ka na, tapikin ang

Susunod.

Upang i-set ang isang email account bilang iyong default account

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Email.

3

Pindutin ang , pagkatapos ay tapikin ang

Mga Setting.

4

Piliin ang account na nais mong gamitin bilang default account para sa pagbuo at

pag-send ng mga mensaheng email.

5

Markahan ang checkbox na

Default na account. Ang inbox ng default account ay

lumalabas sa tuwing binubuksan mo ang email application.

Kung mayroon ka lamang isang email account, ang account na ito ang awtomatikong

magiging default na account.