Pagbabahagi ng nilalaman sa mga DLNA Certified™ na device
Maaari kang tumingin o mag-play ng nilalamang media na naka-save sa iyong device o
sa iba pang mga device gaya ng, halimbawa, TV, o computer. Ang mga nasabing device
ay dapat na DLNA Certified™ ng Digital Living Network Alliance at lahat ng mga device
ay dapat na nakakonekta sa parehong Wi-Fi® network upang maibahagi ang nilalaman.
Maaari mo ring tingnan o i-play ang nilalaman mula sa iba pang mga DLNA Certified™
na device sa iyong device.
Pagkatapos mong i-set up ang pagbabahagi ng nilalaman sa pagitan ng mga device,
maaari kang, halimbawa, makinig sa mga music file na nakaimbak sa iyong computer sa
bahay mula sa iyong device, o tumingin ng mga larawang kinunan gamit ang camera ng
iyong device sa isang TV na malaki ang screen.
Pag-play ng mga file mula sa DLNA Certified™ na mga device sa iyong
device
Kapag nagpe-play ng mga file mula sa isa pang DLNA Certified™ na device sa iyong
device, nagsisilbing isang server ang isa pang device na ito. Sa madaling salita,
nagbabahagi ito ng nilalaman sa isang network. Dapat na pinagana ang function ng
pagbabahagi ng nilalaman ng service na device at magbigay ng pahintulot ng access sa
iyong device. Konektado rin dapat ito sa parehong Wi-Fi® network gaya ng iyong
device.
Upang mag-play ng nakabahaging track sa iyong device
1
Tiyaking nakakonekta ang mga device na nais mong bahagian ng mga file sa
parehong Wi-Fi® network tulad ng iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
WALKMAN.
3
Pumili ng device mula sa listahan ng mga nakakonektang device.
4
I-browse ang mga folder ng konektadong device at piliin ang track na gusto mong
i-play. Awtomatikong magsisimulang mag-play ang track.
Upang mag-play ng nakabahaging video sa iyong device
1
Tiyaking nakakonekta ang mga device na nais mong bahagian ng mga file sa
parehong Wi-Fi® network tulad ng iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
Mga Pelikula.
3
Pumili ng device mula sa listahan ng mga nakakonektang device.
4
I-browse ang mga folder ng konektadong device at piliin ang video na gusto mong
i-play.
Upang tingnan ang isang nakabahaging larawan sa iyong device
1
Tiyaking nakakonekta ang mga device na gusto mong bahagian ng mga file sa
parehong Wi-Fi® network tulad ng iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
Album. Ipinapakita ang lahat ng iyong mga available na
online na album at mga nakakonektang device.
4
Pumili ng device mula sa listahan ng mga nakakonektang device.
5
I-browse ang mga folder ng mga nakakonektang device at pumili ng larawan
upang tingnan ito.
Pag-play ng mga file na mula sa iyong device sa DLNA Certified™ na
mga device
Bago mo matingnan o ma-play ang mga media file mula sa iyong device sa ibang mga
DLNA Certified™ na device, dapat mong i-set up ang pagbabahagi ng file sa iyong
device. Ang mga device na pinagbabahagian mo ng nilalaman ay tinatawag na mga
device ng client. Halimbawa, ang isang TV, computer o tablet ay maaaring magsilbing
100
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
mga device ng client. Gumagana ang iyong device bilang isang server ng media kapag
ginagawa nitong available ang nilalaman sa mga device ng client. Kapag nag-set up ka
ng pagbabahagi ng file sa iyong device, kailangan mo ring magbigay ng permiso sa
access sa mga device ng client. Pagkatapos mong gawin ito, ang naturang mga device
ay lalabas bilang mga nakarehistrong device. Ang mga device na naghihintay para sa
permiso sa access ay nakalista bilang mga nakabinbing device.
Upang mag-set up ng pagbabahagi ng file sa iba pang mga DLNA Certified™ na
device
1
Ikonekta ang iyong device sa isang Wi-Fi® network.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
.
3
Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang
Media server.
4
Upang i-on ang function na
Ibahagi ang media, i-drag ang slider. Lalabas ang
sa status bar. Maaari na ngayong gumana ang iyong device bilang isang server ng
media.
5
Ikonekta ang iyong computer o iba pang mga device sa parehong Wi-Fi® network
gaya ng iyong device.
6
May lalabas na notification sa status bar ng iyong device. Buksan ang notification
at itakda ang mga nauugnay na permiso sa access para sa iba pang mga device.
Maaaring mag-iba ang mga tagubiling inilarawan sa itaas depende sa mga client device na
ginamit. Sumangguni sa User guide ng iyong client device para sa higit pang impormasyon.
Kung hindi makakonekta ang device, tiyaking gumagana ang iyong Wi-Fi®network.
Maaari mo ring i-access ang menu ng
Media server sa ilalim ng Mga Setting >
Pagkakakonekta ng Xperia™ > Mga setting ng server ng media. Kung isasara mo ang view ng
Media server, mananatiling gumagana sa background ang function na pagbabahagi ng file.
Upang itigil ang pagbabahagi ng mga file sa iba pang mga DLNA Certified™ na
device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Pagkakakonekta ng Xperia™ > Mga
setting ng server ng media.
3
I-drag ang slider pakaliwa sa tabi ng
Ibahagi ang media.
Upang mag-set ng mga pahintulot sa pag-access para sa isang nakabinbing client
device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Pagkakakonekta ng Xperia™ > Mga
setting ng server ng media.
3
Pumili ng isang device mula sa listahan ng
Mga nakabinbing device.
4
Pumili ng antas ng pahintulot sa pag-access.
Upang baguhin ang pangalan ng isang nakarehistrong device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Pagkakakonekta ng Xperia™ > Mga
setting ng server ng media.
3
Pumili ng device mula sa listahan ng
Mga nakarehistrong device, at pagkatapos
ay piliin ang
Baguhin ang pangalan.
4
Magpasok ng bagong pangalan para sa device.
Upang baguhin ang antas ng pag-access ng isang nakarehistrong device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Pagkakakonekta ng Xperia™ > Mga
setting ng server ng media.
3
Pumili ng isang device mula sa listahan ng
Mga nakarehistrong device.
4
Tapikin ang
Baguhin ang access level at pumili ng opsyon.
101
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang humingi ng tulong tungkol sa pagbabahagi ng nilalaman sa iba pang mga
DLNA Certified™ na device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Pagkakakonekta ng Xperia™ > Mga
setting ng server ng media.
3
Tapikin ang .
Pag-play ng mga file sa isang Digital Media Renderer na device
Gamit ang teknolohiyang DLNA™, maaari kang mag-push ng media na nilalaman na
naka-save sa iyong device patungo sa isa pang device na nakakonekta sa parehong Wi-
Fi® network. Dapat gumana ang isa pang device bilang isang Digital Media Renderer
(DMR) na device, na nangunguhulugan na maaaari itong mag-render, o mag-play, ng
nilalamang natanggap mula sa iyong device. Halimbawa, ang isang DMR na device ay
maaaring maging isang TV na may DLNA na function, o isang PC na nagpapatakbo ng
Windows® 7 o mas bago.
Maaaring mag-iba-iba ang mga setting para sa pagpapagana ng Digital Media Renderer
depende sa device na ginagamit. Sumangguni sa user guide para sa partikular na device para
sa higit pang detalyadong impormasyon.
Hindi maaaring ma-play ang nilalaman na may Digital Rights Management (DRM) sa isang
Digital Media Renderer na device gamit ang teknolohiyang DLNA™.
Upang tingnan ang mga larawan o video mula sa iyong device sa isang DMR device
1
Tiyaking na-set up mo nang tama ang DMR device at nakakonekta ito sa
parehong Wi-Fi® network gaya ng iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
Album.
4
Mag-browse sa at buksan ang file na gusto mong tingnan.
5
Tapikin ang screen upang ipakita ang mga toolbar, pagkatapos ay tapikin ang
at pumili ng DMR device kung saan ibabahagi ang iyong nilalaman. Magsisimulang
mag-play ang mga piniling file ayon sa pagkakasunud-sunod sa device na pipiliin
mo.
6
Upang magdiskonekta mula sa DMR device, tapikin ang at piliin ang iyong
device. Hihinto sa pag-play ang file sa DMR device ngunit magpapatuloy sa pag-
play sa iyong device.
Maaari ka ring magbahagi ng video mula sa application na Mga Pelikula sa iyong device sa
pamamagitan ng pagtapik sa video at pagkatapos ay pagtapik sa .
Upang mag-play ng track ng musika mula sa iyong device sa isang DMR device
1
Tiyaking na-set up mo nang tama ang DMR device at nakakonekta ito sa
parehong Wi-Fi® network gaya ng iyong device.
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang , pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
WALKMAN.
3
Pumili ng kategorya ng musika at mag-browse sa track na gusto mong ibahagi,
pagkatapos ay tapikin ang track.
4
Tapikin ang at pumili ng DMR device kung saan ibabahagi ang iyong nilalaman.
Awtomatikong magpe-play ang track sa device na pipiliin mo.
5
Upang magdiskonekta mula sa DMR device, tapikin ang at piliin ang iyong
device. Hihinto sa pag-play ang track sa DMR device ngunit magpapatuloy sa
pag-play sa iyong device.