Sony Xperia E3 - Mga pangkalahatang setting ng camera

background image

Mga pangkalahatang setting ng camera

Pangkalahatang-ideya ng mga setting ng mode ng pagkuha

Awtomatikong Pagkilala sa Tanawin

I-optimize ang iyong mga setting upang umakma sa anumang eksena.

Manu-mano

Manu-manong i-adjust ang mga setting ng camera.

AR effect

Kumuha ng mga larawan na may mga virtual na eksena at character.

Creative na effect

Maglapat ng mga effect sa mga larawan o video.

Timeshift burst

Hanapin ang pinakamagandang larawan mula sa isang burst ng mga imahe.

Social live

Mag-broadcast ng live na video sa Facebook™.

I-sweep nang Panorama

Gamitin ang setting na ito upang kumuha ng mga wide-angle at panoramic na larawan. Tapikin lang ang

screen at dahan-dahang igalaw ang camera mula sa isang bahagi patungo sa kabila.

Awtomatikong pagkilala ng eksena

Inaalam ng mode na awtomatikong pagkilala ng eksena ang mga kundisyon sa paligid

habang kumukuha ka ng larawan at awtomatiko nitong ina-adjust ang mga setting

upang matiyak na makukuha mo ang pinakamagandang larawan na posible.

Mode na manu-mano

Gamitin ang Mode na manu-mano kapag gusto mong manu-manong i-adjust ang mga

setting ng iyong camera para sa pagkuha ng mga larawan at video.

AR effect

Maaari kang maglapat ng mga AR (augmented reality) effect sa iyong mga larawan at

gawing mas kasiya-siya ang mga iyon. Hinahayaan ka ng setting na ito na magsama ng

mga 3D na eksena sa iyong mga larawan habang kinukunan mo ang mga iyon. Piliin lang

ang eksenang gusto mo at i-adjust ang posisyon nito sa viewfinder.

Malikhaing effect

Makakapaglapat ka ng iba't ibang effect sa iyong mga larawan o video. Halimbawa,

makakapagdagdag ka ng Nostalgic effect upang magmukhang mas luma ang mga

larawan o isang Sketch effect para sa mas nakakatuwang imahe.

Timeshift burst

Kukuha ang camera ng burst ng 31 larawan sa loob ng dalawang segundo – isang

segundo bago at pagkatapos mong pindutin ang camera key. Upang makabalik ka at

mahanap ang perpektong larawan.

83

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Social live

Ang Social live ay isang mode sa pagkuha sa camera na nagbibigay-daan sa iyong mag-

stream ng video nang live sa iyong pahina sa Facebook™. Kailangan mo lang ng

aktibong koneksyon sa Internet at mag-log in sa Facebook™. Ang mga video ay

maaaring maging hanggang 10 minuto ang haba.

Mabilis na paglunsad

Gamitin ang mga setting ng Mabilis na paglunsad para ilunsad ang camera kapag naka-

lock ang screen.

Geotagging

I-tag ang mga larawan gamit ang mga detalye ng kung saan mo kinunan ang mga ito.

Pagkuha sa pamamagitan ng pagpindot

Tukuyin ang partikular na lugar ng focus, at pagkatapos ay i-touch ang screen ng

camera gamit ang iyong daliri. Kukuha kaagad ng larawan sa sandaling alisin mo ang

iyong daliri.

Imbakan ng data

Maaari mong piliing i-save ang iyong data maaaring sa isang naaalis na SD card man o

sa internal storage ng iyong device.

Panloob na storage

Sine-save ang mga litrato o video sa memory ng device.

SD card

Sine-save ang mga litrato o video sa SD card.

White balance

Ina-adjust ng pagganang ito ang balanse ng kulay ayon sa mga kundisyon ng liwanag.

Available sa screen ng camera ang icon ng setting ng white balance na .

Auto

Awtomatikong ina-adjust ang balanse ng kulay upang umakma sa mga kundisyon ng liwanag.

Incandescent

Ina-adjust ang balanse ng kulay para sa mga warm lighting na kundisyon, gaya ng sa ilalim ng mga light

bulb.

Fluorescent

Ina-adjust ang balanse ng kulay para sa liwanag ng fluorescent.

Maaraw

Ina-adjust ang balanse ng kulay para sa maaraw na mga kundisyon sa labas.

Maulap

Ina-adjust ang balanse ng kulay para sa maulap na kalangitan.

Available lang ang setting na ito sa

Manu-mano na mode sa pagkuha.